Letran - Calamba Cheerdance Compe.

2008-01-27 at 11:14 a.m. old stories

Ngayon lang ako nakapag-update. Sobrang dami ko kasing ginawa. Last January 25, 2008 si Polin, Precious at ako ay pumunta sa letran para manood at syempre manlait. hehehe. Biglaan lang kasi hindi talaga dapat kami manonood. Ang tagal bago kami nakaalis kasi nagpa-iron pa kami ng buhok. Hehehe. Akala mo kasali sa cheering nuh? So hayun nakipagkita kami kay Thirdy at Simang... Miss na talaga namin sila. Sabay sabay kami nanuod para i-cheer ang aming mga friends.

ENGINEERING
Ineexpect na talaga namin na maganda ang sa kanila ngayon kasi sumali si kuya Jj, si Rolzen at si Jhuon. Nadala nila ang sayaw nila. For sure kung wala ang tatlong yun laglag nanaman mga yun at malamang AS ang nanalo. Sabi nga ni Kuya Jj sasali daw sila para makatikim naman ng panalo ang engineering at nagkatotoo nga. LOL. Sila ang pinaka-conservative ang suot this year. Alam ko ayaw daw pumayag ng mga girls na magshorts kaya hayun... Okay naman ang performance nila at wala parin pinagbago sila kuya Jj, mabisa parin sila. hehehe. May ilang pagkakamali nga lang yung iba. Nakakatawa lang nung napatapat samin si Rolzen nasigaw pa ng "NGITI" kasi kabado yung iba at nakakalimutan na ngumiti. LOL. Si Jhuon tamang pa-cute parin. As always. Hehehe.

ARTS AND SCIENCES
Maganda talaga yung performance nila at cute din ang suot nila may pagka- toot nga lang. Hatak audience talaga! Hehehe. Kapansin- pansin si Mona. Hehehe. Biruin mo ganun ang suot nya? Pero ang kinis nya huh. Hahaha. At si TJ naman sobrang hotness. Tuwang tuwa ang mga boys kasi ... Yun na yun! Si Pbear naman parang kakaiba yung bibig nya. Parang may pagka-pinkish na reddish. Nabasa ko sa blog nya nagdudugo ata? Basta ayos talaga ang sa AS. Napansin ko din na hindi kasali ang LDC superstar na si Shepner? Shefner? Ah basta alam kong alam nyo na ang tinutukoy ko. LOL.

NURSING
Mas maganda ang entrance nila last year kesa ngayon. Pati costume. Yung iba nga nasigaw na "tinkerbell" daw yung isa dun. Yung medyo healthy na nagsolo sa last part. Hehehe. Sa nursing si TIGA ang bida!!!Hehehe.

COMMERCE
Kakaiba talaga! Sa sobrang daming pakulo hindi na maganda ang kinalabasan. Marami ang nasigaw na "field demo" daw at hindi cheering. Nakakagulat kasi hindi sumali ang mga hotness ng LDC na mga commerce. kaya siguro hindi sila mabisa? Hehehe. Sobrang daming pang-bata na ginawa nila lalu na yung twinkle twinkle little star. Hehehe. Sigurado super disappointed mga yun.

Ang mga pics ay nasa MULTIPLY ko.

add



previous entry && next entry

Thank you baby! - 2008-03-21
Feel ko lang... - 2008-03-21
HAPPY BIRTHDAY DONNA! - 2008-03-06
I can't take it any longer... - 2008-02-29
%*%$$&$#&^! Ang Kukupal! Nakakainis!!! - 2008-02-08