Pure Drama...

2008-01-19 at 7:12 p.m. old stories

Hindi ko akalain na magiging ganito. Kakatapos lang namin magusap at sobrang sakit. Siguro nga marami akong maling nasabi pero sinabi ko lang ang nararamdaman ko at pede naman namin pagusapan ng maayos. Pero wala... Binabaan nya nanaman ako. Palagi nalang ganito. Hindi namin mapagusapan ng maayos at kapag nagkaayos na parang walang nangyari. Sana hindi ko kainin ang mga sinabi ko. Sa totoo lang mahal na mahal ko sya. Sya ang nagbibigay ng lakas sa akin pero hindi ko na kaya tumahimik na lang. Nasasaktan din ako. Pilit kong iniintindi lahat pero may mga pagkakataon na hindi ko na kaya. Kahit gaano pa namin mahal ang isa't isa kulang at kulang pa rin. Hindi kami magkasundo at sobrang sakit nun para sa akin. Sana pede ko sabihin dito pero masyadong personal ang reason.

Bakit ganun? Hindi na kami naubusan ng problema. Kung kelan masaya na kami hayan nanaman ang problema. Umaasa akong maayos pa namin to pero tulad nga ng sinabi ko sa kanya tatanggapin ko lahat ng sabihin nya. Siguro nga masayadong masakit ang sinabi ko kaya humihingi ako ng tawad. Sana lang maisip nya din ang feelings ko. Ayoko muna syang tawagan at gusto ko syang bigyan ng time mag-isip. Pareho pang masama ang loob namin. Hay... Magiging okay pa nga kaya kami? SANA... kasi mahal na mahal ko sya at gusto kong mabuo ang pamilya namin. Hindi ako galit pero masama talaga ang loob ko kasi pakiramdam ko hindi nya ako maintindihan kung bakit nasasabi ko ang ganung bagay.

Kung kelan malapit na kaming magkita at magpakasal tsaka pa nag kaganito. Sana makayanan pa namin ang long distance relationship.

add



previous entry && next entry

Thank you baby! - 2008-03-21
Feel ko lang... - 2008-03-21
HAPPY BIRTHDAY DONNA! - 2008-03-06
I can't take it any longer... - 2008-02-29
%*%$$&$#&^! Ang Kukupal! Nakakainis!!! - 2008-02-08